humihingi ako ng patawad sa mga viewers ng blog na ito dahil noong mga nakaraang araw ay naging busy ang may-ari ng blog na ito kaya hindi niya na na-update ang blog na ito..
sana'y patuloy pa rin kayo sa pag-visit dito..
haha..
lumipas kasi ang FAT namin at periodic tests..
kaya kailangang mag-aral..
at ang matindi pa..
alam ng parents ko na may tests ako kaya bawal akong gumamit ng computer sa mga araw na iyon..
hehe..
tapos..
sorry..kasi tinamad akong mag-update at mag-post dito sa blog ko..
pasensya na talaga..
anyway..
may nangyari kasi sa akin kanina..
pauwi na kasi kami noon ni Kim (special mention!!haha)..
nakasakay sa jeep..
nagsabi na siya na, "Ma, sa tabi lang po."..
hindi naman sumagot ung drayber at hininto sa tabi..
ako naman..
sa pagkakaalam na nakahinto na..
tumayo na ako at pababa na ng jeep..
tapos malapit na ako sa pinto..
nang biglang umandar uli ung jeep...
muntikan akong mahulog..
buti na lang..
nakaupo ako at nakakapit sa bakal na hawakan..
nagasgas ung binti ko sa baba ng upuan dahil sa biglang pag-upo ko..
muntikan pa nga akong saluhin ng mamang nasa tabi ng pinto ng jeep..
sobrang natakot ako noon..
buti na nga lang..nasa loob pa ako at hindi pa nakakababa..
kung hindi..
wag nah..ayoko nang iimagine..hehe
------
pagkababa namin..
sabi ko na lang sa sarili ko, "bahala na ang Diyos sa drayber na iyon."..
tapos..
ikwenento ko iyon sa papa ko..
galit na galit talaga siya sa drayber na iyon..
dahil sa nangyari sa akin..
tapos pinagsabihan niya rin ako na dapat nagsasalita ako..
dahil karapatan ko daw iyon bilang pasaherong nagbabayad sa jeep ng draybey na iyon..
at ayun..
na-badtrip lang ako ng kaunti sa mamang iyon..
kaunti lang eh noh??haha
eh hindi naman ako nasaktan eh..
kaunting sugat lang ang natamo ko..
kaya..
ok lang..
ahaha..
ah basta..
"Bahala na si God sa kanya"
cgeh guyz...gabi na rin kasi eh..
haha..
may tw pah ,p6 at mapeh..
gud nyt..