<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d6918061857738386162\x26blogName\x3dxxxkEnnAxxx\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://kennagarnet.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://kennagarnet.blogspot.com/\x26vt\x3d4605622109711285465', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
her LIFE
Sunday, December 07, 2008

Ang Huling Araw

Kasabay ng bawat segundong pagiging abo ng mga papel na iyon at habang dumadampi ang ningas ng apoy sa mga pahina't gilid nito ay ang huling pagpatak ng luha ko. Huli na ito. Iyan ang ipinangako ko sa aking sarili noong iniwan mo akong nag-iisa sa palaruang iyon. Naaalala mo pa ba? Labing-tatlong taon rin ang lumipas simula noong ika'y nagpaalam sa akin nang hindi nagsasalita. Iniwan mo akong umiiyak sa may duyang iyon kung saan tayo laging humihiga't nagpapahinga tuwing hapon, matapos nating maglaro ng habulan. Kahit inaaway mo ako't ang ibinubunga nito'y aking pag-iyak dahil sa napipikon na ako sa'yo ay handa pa rin ang iyong bughaw na panyo upang iyong ipampunas sa aking mga luha. Nagulat nga ako noon dahil nakangiti ka pa noong ika'y humihingi ng tawad at nakikiusap na huwag na akong magalit sa iyo. Ewan ko rin kung bakit ngunit hindi natatapos ang araw na iyon nang hindi tayo nagkakabati. Siguro dahil sa mga ngiti mong iyon kaya hindi ko matiis na patawarin ka bago lumubog ang araw at lagi kong panalangin ang bukas na tayo'y maglalaro muli. Siguro'y napapansin mo naman ang kasiyahang aking nadarama sa tuwing tayo'y magkasama dahil gaya nga ng sinabi mo ay isa akong taong madaling basahin ang nararamdaman. Nakakainis nga kasi para akong isang librong nakabukas at kayang-kaya mong basahin kung ano ang aking nadarama. Sana nga'y nakakaramdam ka rin ng saya kapag kasama mo ako. Lubos akong umaasa kahit hindi ako sigurado ngunit palagi ka namang nakangiti kapag ang mga mata nati'y nagtatagpo. Tama ba? Masaya ka nga rin ba 'pag kasama mo ako?

Hingal na hingal na ako kakatakbo. Hinahabol kita. Ang saya nga natin nun e. Kahit palagi akong taya, ayos lang basta ikaw ang hinahabol ko dahil mabagal ka lang tumakbo o siguro'y para sa akin lang dahil masaya ako. Maaabot na kita ngunit may dumaan na malakas na hangin. Napakalamig. Tiniis ko iyon at tumingin sa buong paligid. Hinahanap ka ng aking mga mata ngunit parang ako na lang mag-isa sa palaruang iyon. Tatakbo na sana ako para hanapin ka sa likod ng mga puno ngunit sa pagtapak ng aking kanang paa bilang aking unang hakbang ay tila may natapakan ako.

Dahan-dahan kong iniyuko ang aking ulo tila natatakot makita ang bagay na nasa lapag. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman noong makita ko ang mga rosas na iyon. Nakalapag sila doon. Doon sa lapag kung saan ka nakatayo kanina. Hindi ako nagkakamali at natitiyak kong iyo'y iyong mga paboritong bulaklak. Halos hindi nagkakaiba ang mga ito sa mga rosas na lagi mong dinidiligan gabi-gabi sa iyong kwarto. Hindi ko na halos maramdaman ang pagtulo ng aking mga luh mula sa aking mga mata dahil sa bilis ng kanilang paglapag sa mga rosas na iyon na tila dinidiligan na nila ito tulad ng pagdidilig mo sa mga kauri nila sa iyong kwarto.

Hindi ko namalayang sa mga panahong dumaan matapos mo akong iwanan ng hindi man lang nagpapaalam ay pagsulat ko ng mga liham para sa'yo nang hindi iniisip na hindi mo na ito mababasa, kailanman. Dahil sa hindi ko malamang dahilan ay sinusulatan kita araw-araw, gabi-gabi, buwan-buwan, taon-taon na parang nariyan ka pa rin: naghihintay sa palaruang iyon upang makipaglaro sa akin, nagbibigay ng panyo sa tuwing ako'y lumuluha, maging aking balikat sa tuwing ako'y nakakatulog sa pagod, maging aking matalik na kaibigan, maging aking puso, maging aking buhay...Sa bawat liham na iyon, aking nalalaman na may mga bakas ang mga ito ng aking pagluha. Sa mga panahong iyon, alam ko at sigurado akong hindi pa kita binibitawan dahil hindi ko kaya. Hinding-hindi. Sa kabila nito, ang kalungkutan ay hindi nag-iisang dahilan sa mga bakas ng pagluha sa mga liham na iyon kung hindi'y pagkainis rin. Bakit? Hindi ka man lang kasi nagpaalam. Masyado akong nasaktan, pinagsisihan ang mga oras na tayo'y hindi nakakapaglaro...Ang lahat ng ito'y sinulat ko, iginuhit ko,iningatan ko,itinago ko, pinahalagahan ko,minahal ko...

Subalit ang araw na ito'y iba. Nais kong malaman mo na maraming beses akong umiyak at matagal na panahon din ang tiniis ko nang hindi ako sumusulat sa iyo ngunit alam kong nasa puso pa rin kita't di mabubura. Nagtiis ako at sa wakas dumating na rin ang araw na ito. Ang araw ng pagwawakas, pagtigil ko sa aking pagsusulat, sa aking pagluha. Ito na ang huling araw...