<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6918061857738386162?origin\x3dhttps://kennagarnet.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
her LIFE
Wednesday, February 06, 2008

ewan ko...
naiiyak na ako..
ewan ko...
To: Kuya Kris and Jedd
alam kong galit kayo sa akin...
at naiintindihan ko iyon..
kaya ako na lang ang lumalayo..
alam ko ring nasaktan ko kayong dalawa...
at sorry talaga..
kahit hindi ko alam ang dahilan ng pagkakagalit ninyo..
(totoo hindi ko talaga alam..)
ayokong manghula..
gusto ko na manggagaling sa inyo kung ano ba talaga ang nagawa kong mali at nasaktan ko kayo ng ganito...
at tuwiran akong makapag-apologize..
gusto kong malaman ninyo, tulad ng lagi kong sinasabi,
hindi ako galit sa inyo..
at hindi kailan man mangyayari iyon..
kay kuya...
sorry..
hindi ko naiintindihan ang nararamdaman mo ngayon..
masyado kitang nakulit nung gabing iyon..
ngayon ko lang na-realize..
masyado kasi akong nadala..
minamadali kitang masyado..
pasensya na talaga..
dapat..naintindihan kita noon...
dapat..mas inintindi ko ang nararamdaman mo..
hindi iyong padalos-dalos...
alam ko na ang pagkakamali ko...
at sana..
ito nga ang dahilan ng pagkakagalit mo sa akin..
kung hindi man...
sabihin mo na lang..para maipaliwanag ko sa iyo ang nadarama ko...
kay jedd..
sorry..
gaya ng sinabi mo..
hindi kita naiintindihan...
at hindi mo rin ako naiintindihan...
ang gulo natin..
sa totoo lang...
hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang nagawa ko para magalit ka sa akin..
ipaliwanag mo na lang..
para kahit papaano'y maintindihan kita..
miss na miss ko na kayong dalawa..
ayoko kayong mawala sa akin..
napaka-importante ninyo para sa akin..
hindi ko matanggap na araw-araw tayong nagkikita tapos..
wala..
walang pansinan..
please..
gusto ko lang maintindihan ninyo..
pasensya nah dahil dinaan ko ito sa blog ko...
nahihirapan kasi akong kauspin kayo ng harapan...
pasensya na talaga..
sana dumating rin ang oras na mapapatawad ninyo ako sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko upang masaktan ko kayo..
pasensya na talaga..
gusto ko nang matapos ito..
gusto kong maibalik sa dati iyong pagsasamahan natin...
pero alam kong napakaimposible iyong mangyari..
pagkatapos ng sitwasyong ito...
gusto ko lang na mapatawad ninyo ako..
..I pray that God would be our center in this situation..
From: Kenna

Labels: