<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6918061857738386162?origin\x3dhttps://kennagarnet.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
her LIFE
Tuesday, February 19, 2008

ang daming nangyari ngayong araw na ito..nakakalungkot mang isipin pero..nagkakaroon talaga ng hindi pagkakaintindihan...
wala namang may gusto ng away diba??
nakakalungkot dahil ganoon ang nangyayari...hindi ko alam kung away ba o simpleng hindi pagkakaintindihan lamang..
sana naman walang away...sa hertz...
sana bukas makapag-usap na at magkaintindihan...magkalinawan..makapagpatawad at magpatawad...
kung maari..
tanggapin na lang ang mga mali para wala nang nahihirapan diba??
wala akong kakampihan...at wala akong papanigang side..
dahil baka mahati pa ang hertz..
lalong magkagulo...
alam ko namang maayos din ito..
at sana nga mangyari un..
at
sa araw na ito..
may mga teachers pa na nagagalit sa amin..
dahil na naman sa hindi pagkakaintindihan...
ang hirap talaga noh..
importante talaga ang communication..
kahit gaano kalaki ang problema..
at kung gaano pa kagalit ang mga taong involve..
magsisimula ito sa tamang pag-uusap..
isang mahinahaon at malinaw na pag-uusap..
wag mong iwasan..
kung may pagkakataon kayo na makapag-usap..
gamitin mo ang oras na iyon para magkaintindihan at maayos ang problema...
at
tandaan din natin na huwag tayo masyadong papadaig sa ating emosyon..
hindi masamang magalit pero..
wag naman sanang maging daan pa ang galit mo para magkasala ka..
mahirap iyon..
sabi nga nila..
kapag galit ka..magbilang ka muna ng sampu o kahit mas marami pa..
wag ka munang magsasalita..
isipin mo muna ang sasabihin mo..
dahil alam mong may masasaktan ka...
---------------------------------------------------------------------------
seryoso ako sa mga sinasabi ko..
para kasing natutunan ko ang mga ito...
sa aking mga nakaraang mga pagkakamaling..
pinagsisihan ko ng lubos..
lagi talagang nasa huli ang pagsisisi..
pero wag mong isiping huli na ang lahat...
ang mga pagkakamaling ito'y magsisilbi sa iyong aral..
at pampatibay sa iyo..
ang mga problema..
na hinaharap mo ngayon..
ay bigay ng Diyos..
kapag mabigat o malaki man ang problemang iyon..
wag kang malungkot..
dahil alam ni God na
KAYA MO ITONG LAMPASAN
alam niyang MATIBAY ka..
kaya niya binigay ang mga problemang iyon...
and remember..
THANK GOD FOR THE PROBLEMS YOU ARE FACING RIGHT NOW
BECAUSE HE KNOWS YOU CAN OVERCOME IT..
HE WILL ALWAYS BE AT YOUR SIDE SO DON'T LOSE HOPE..
------------------
yan lang ang mula sa akin..
sa ngayon ayokong magsalita..
at sa mga sinasabi ko..
mga payo lamang ito..
parang sermon na rin..
hahaha..
magsilbi sana itong patnubay sa inyo..
cgeh nah mga idolz..
alam kong kaya niyong lampasan ang mga problema niyo..
nandito lang ako..
pwede nyong sandalan..
pro sa ngayon...
tulog na ako..
antok na ako mga idolz eh..
cgeh..guyz..bye..
peace-out :p