<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d6918061857738386162\x26blogName\x3dxxxkEnnAxxx\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://kennagarnet.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://kennagarnet.blogspot.com/\x26vt\x3d4605622109711285465', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
her LIFE
Sunday, December 07, 2008

Ang Huling Araw

Kasabay ng bawat segundong pagiging abo ng mga papel na iyon at habang dumadampi ang ningas ng apoy sa mga pahina't gilid nito ay ang huling pagpatak ng luha ko. Huli na ito. Iyan ang ipinangako ko sa aking sarili noong iniwan mo akong nag-iisa sa palaruang iyon. Naaalala mo pa ba? Labing-tatlong taon rin ang lumipas simula noong ika'y nagpaalam sa akin nang hindi nagsasalita. Iniwan mo akong umiiyak sa may duyang iyon kung saan tayo laging humihiga't nagpapahinga tuwing hapon, matapos nating maglaro ng habulan. Kahit inaaway mo ako't ang ibinubunga nito'y aking pag-iyak dahil sa napipikon na ako sa'yo ay handa pa rin ang iyong bughaw na panyo upang iyong ipampunas sa aking mga luha. Nagulat nga ako noon dahil nakangiti ka pa noong ika'y humihingi ng tawad at nakikiusap na huwag na akong magalit sa iyo. Ewan ko rin kung bakit ngunit hindi natatapos ang araw na iyon nang hindi tayo nagkakabati. Siguro dahil sa mga ngiti mong iyon kaya hindi ko matiis na patawarin ka bago lumubog ang araw at lagi kong panalangin ang bukas na tayo'y maglalaro muli. Siguro'y napapansin mo naman ang kasiyahang aking nadarama sa tuwing tayo'y magkasama dahil gaya nga ng sinabi mo ay isa akong taong madaling basahin ang nararamdaman. Nakakainis nga kasi para akong isang librong nakabukas at kayang-kaya mong basahin kung ano ang aking nadarama. Sana nga'y nakakaramdam ka rin ng saya kapag kasama mo ako. Lubos akong umaasa kahit hindi ako sigurado ngunit palagi ka namang nakangiti kapag ang mga mata nati'y nagtatagpo. Tama ba? Masaya ka nga rin ba 'pag kasama mo ako?

Hingal na hingal na ako kakatakbo. Hinahabol kita. Ang saya nga natin nun e. Kahit palagi akong taya, ayos lang basta ikaw ang hinahabol ko dahil mabagal ka lang tumakbo o siguro'y para sa akin lang dahil masaya ako. Maaabot na kita ngunit may dumaan na malakas na hangin. Napakalamig. Tiniis ko iyon at tumingin sa buong paligid. Hinahanap ka ng aking mga mata ngunit parang ako na lang mag-isa sa palaruang iyon. Tatakbo na sana ako para hanapin ka sa likod ng mga puno ngunit sa pagtapak ng aking kanang paa bilang aking unang hakbang ay tila may natapakan ako.

Dahan-dahan kong iniyuko ang aking ulo tila natatakot makita ang bagay na nasa lapag. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman noong makita ko ang mga rosas na iyon. Nakalapag sila doon. Doon sa lapag kung saan ka nakatayo kanina. Hindi ako nagkakamali at natitiyak kong iyo'y iyong mga paboritong bulaklak. Halos hindi nagkakaiba ang mga ito sa mga rosas na lagi mong dinidiligan gabi-gabi sa iyong kwarto. Hindi ko na halos maramdaman ang pagtulo ng aking mga luh mula sa aking mga mata dahil sa bilis ng kanilang paglapag sa mga rosas na iyon na tila dinidiligan na nila ito tulad ng pagdidilig mo sa mga kauri nila sa iyong kwarto.

Hindi ko namalayang sa mga panahong dumaan matapos mo akong iwanan ng hindi man lang nagpapaalam ay pagsulat ko ng mga liham para sa'yo nang hindi iniisip na hindi mo na ito mababasa, kailanman. Dahil sa hindi ko malamang dahilan ay sinusulatan kita araw-araw, gabi-gabi, buwan-buwan, taon-taon na parang nariyan ka pa rin: naghihintay sa palaruang iyon upang makipaglaro sa akin, nagbibigay ng panyo sa tuwing ako'y lumuluha, maging aking balikat sa tuwing ako'y nakakatulog sa pagod, maging aking matalik na kaibigan, maging aking puso, maging aking buhay...Sa bawat liham na iyon, aking nalalaman na may mga bakas ang mga ito ng aking pagluha. Sa mga panahong iyon, alam ko at sigurado akong hindi pa kita binibitawan dahil hindi ko kaya. Hinding-hindi. Sa kabila nito, ang kalungkutan ay hindi nag-iisang dahilan sa mga bakas ng pagluha sa mga liham na iyon kung hindi'y pagkainis rin. Bakit? Hindi ka man lang kasi nagpaalam. Masyado akong nasaktan, pinagsisihan ang mga oras na tayo'y hindi nakakapaglaro...Ang lahat ng ito'y sinulat ko, iginuhit ko,iningatan ko,itinago ko, pinahalagahan ko,minahal ko...

Subalit ang araw na ito'y iba. Nais kong malaman mo na maraming beses akong umiyak at matagal na panahon din ang tiniis ko nang hindi ako sumusulat sa iyo ngunit alam kong nasa puso pa rin kita't di mabubura. Nagtiis ako at sa wakas dumating na rin ang araw na ito. Ang araw ng pagwawakas, pagtigil ko sa aking pagsusulat, sa aking pagluha. Ito na ang huling araw...
Thursday, October 09, 2008

ANG ANGHEL

Matagal na kitang kilala. Kilala sa pangalan, itsura at sa pananamit. Mahiyain ka noon. Nahihiya rin ako sa'yo kaya nagtatago na lamang ako sa likod ng mga ulap. Marami akong naririnig mula sa mundo mo na may gusto ka sa akin kahit alam mong ako'y pantasya lamang tulad ng mga sinasabi ng iyong mga kaibigan. Natutuwa ako sa'yo. Dala na rin siguro ng iyong murang isip kaya't inibig mo ako ng ganun katagal. Naging manhid ako at alam kong nagkamali ako. Ginawa kong biro ang lahat ng iyon. Patawarin mo sana ako.


Halos lumalabo na rin siguro ang kulay ng iyong mga mata, ang iyong buhok, ang iyong buong itsura. Matagal-tagal na rin yun: noong huli kong makita ang iyong itsura. Nabulag kasi ako. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit bigla na lamang dumilim ang aking buong paligid, ngunit malakas ang kutob ko na alam mo ang dahilan nito. Sa aking pagkabulag na iyon. Alam kong nakalimutan mo na ako. Kung kailan naman tila nararamdaman kong nabubura na ako sa puso mo ay saka ko napagtanto na parang may nararamdaman na ako para sa iyo. Ngunit kahit ganoo'y hindi pa rin ako sigurado dito. Sana'y muli akong makakita upang sa gayo'y masilip man lamang kita mula sa likod ng mga ulap.

Sa wakas, nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makababa diyan sa lupa. Hindi ko inaasahang magkakaroon pa ako ng pagkakataong makasama kang muli kahit wala akong nakikita at tinig mo lamang ang tangi kong naririnig. Masaya na ako dun. Simula ng araw na iyon. tuloy-tuloy na ang pagka-usap mo sa akin at sobra-sobrang kasiyahan ang aking nadarama. Unti-unti, sa tingin ko, ay nakikilala na kita, hindi lamang sa iyong pangalan, itsura at pananamit, kung hindi'y pag-uugali't kakulitan mo rin. Nais kong hindi na sana magwakas ang mga araw na iyon. Isa-isa kong sinusulat ang lahat ng mga sinasabi't kinukwento mo sa akin upang kapag dumating ang araw na ako'y magpaalam na ay hindi kita malimutan: ang mga pagbibiro mong may mga pahiwatig ay sadya kong hahanap-hanapin. Hindi nagtagal ay nalaman ko rin ang bagay na iyon. Ang bagay na nais kong malaman ngunit ayaw kong pakinggan. Nais kong malaman upang habang maaga pa'y makita ko na ang taling papatid sa akin pagdating ng panahon at ayaw kong pakinggan dahil masakit (siguro). Nalaman ko't nakilala ang taong inibig mo ng lubos noong ako'y nabubura na sa iyong puso. Ipinakilala mo siya sa akin at ako nama'y nakinig sa iyong mga kwento. Ikunuwento mo iyon sa akin ngunit sabi mo'y hindi mo alam ang dahilan kung bakit mo sa akin iyon kinukwento. Nakinig ako. Alam kong iyon lamang ang tangi kong magagawa. Bulag na ako at alam kong wala na akong pag-asa upang ako'y muling ibigin mo. Nagulat ako nang sinabi mong nasasaktan ka. Alam kong minahal mo siya ngunit bakit ganoon? Tinuruan ka niyang umibig sa kanya ngunit hindi ka man lang tinuruang pagalingin ang mga sugat na iyong tinamo bunga ng pagmamahal mo sa kanya. Sinabi mo sa akin na sana ako ang makatulong sa iyong hipan ang hapdi ng mga sugat na iyon. Kung alam mo lang kung gaano ko ninais na tulungan ka ngunit paano? Ako'y simpleng bulag lamang, walang magagawa upang ika'y matulungan. Sana'y kahit isang araw man lang ay makita kita; muling maibalik ang malinaw na larawan ng iyong mukha, ng iyong itsura. Isang araw lang ang aking hinihiling at sana'y matupad.

Nagising ako tila kinakabahan at hindi makahinga. Tila ako'y nananaginip. Nahahawakan ko na ang aking braso. Napnsin kong ako'y tao na! Makulay, napakamakulay na muli ng buong paligid! O laking tuwa ko na nakakita muli ako kahit alam kong pansamantala lamang ito. Ilang minuto ang nilipas ng aking kagalakan at ito'y natapos rin, pagkatapos, ako muli ay nalungkot. Makikilala mo kaya ako o sadyang dadaanan lang at wala na? Pinuntahan kita, umaasang mahawakan man lang ang iyong mga kamay ngunit anong nangyayari sa akin? Ayaw kitang tingnan. Malapit na ako sa'yo ngunit bakit ako natatakot? Bakit nagtatago pa rin ako ako tulad ng dati? Tama ang hinala ko. Hindi mo nga ako pinansin. Pilit kong tinawag yung taong nasa tabi mo kahit hindi ako handa sa susunod na mangyayari ngunit ni isang ikot ng iyong ulo'y hindi ko napansin. Tama. Hindi mo ako kilala. Natapos ang araw na ako'y lumuluha at nasa huling oras na nang ako muli'y pumikit at dumilat ng walang nakikita. Bulag na naman ako, alam ko.

Ganito na lamang ba? Magiging bulag na lamang ba ako habang buhay?..........Teka. Bakit ba? Hindi na ba ako nakuntento na ako'y nakababa na at kasama mo dito sa lupa? Hindi na ba ako nakuntento na kahit papaano'y nakakausap kita at naririnig kahit wala akong nakikita? Hindi na ba ako nakuntento sa isang araw na iyon na muli kong nasilayan ang iyong mukha? Hindi na ba ako nakuntento sa pagiging isang kaibigan lamang at umaasa na muling luminaw ang aking pangalan diyan sa puso mo?

Pero, ayokong umasa dahil alam kong mahal mo pa rin siya kahit ilang beses ka na niyang sinaktan. Wala na akong magagawa doon. Ayaw ko na siguro. Tama. Nakapagdesisyon na ako. Ngunit hindi ako sigurado kung ito ba'y magbabago dahil tumatakbo ang oras at sa bawat paggalaw ng mga kamay sa orasan ay may mga bagay na nagbabago. Kahit gayon, nais ko sanang linawin. Nandito lang ako sa tuwing ako'y kailangan mo. Nandito lang ako para makinig sa mga hikbing iniiyak mo, sa mga tawang hinahalakhak mo. Tandaan mo, nandito lang ako, ang bulag na anghel na handang dumamay sa'yo.
Wednesday, October 08, 2008

ANG TAGAPAG-SAGWAN

Palagi kitang nakikita doon. Nakaupo. Nag-iisip. Nakatingin sa kawalan tila parang may bumabagabag sa iyo. Kahit ganoon, alam kong hindi ko kailanman mababasa kung anong mga bagay ang umaandar sa iyong isipan. Hanggang ngayo'y nanghuhula pa rin ako kahit hindi ako sigurado kung bakit nga ba hinuhulaan ko ang nararamdaman mo para sa akin. Tama. Hindi ko talaga alam at kung pwede lang ay huwag ko nang malaman pa.


Hindi ko kilala kung sino ang gumagawa ng mga pagkakataong hindi ko sinasadyang mapalingon doon kung saan ka naroon. Matagal na ring panahon nang huli kong marinig ang iyong tinig na kumakausap sa akin dahil ako'y tila binging hindi naririnig ang iyong boses kapag ibang tao ang iyong kinakausap kahit sila'y napakalapit na sa akin.

Alam ko at sigurado akong hindi mo nakakalimutan ang araw na iyon. Isang espesyal na araw kung saan nagkayayaan ang buong barkadang mangisda sa batis na iyon. Sumama ako kahit hindi sigurado sa patutunguhan ngunit may malakas na akong kutob sa mangyayari at ayun nga, nadulas ako sa isang bato't natumba sa ibabaw mo. Hindi ko alam kung natuwa ka ba noon o nairita, hindi ko alam. Para lamang sa ako'y makahuli ng isda kaya ako sumama. Hindi nagtagal at nagpaalam lamang ang ating mga kalaro upang pumunta pa sa malayo. Ayaw ko nang pumunta doon, nakakatakot. Buti na lang at nandyan ka. Hindi ako sigurado ngunit tila napilitan ka lang na ihatid ako gamit ang bangka pauwi dahil sa tayong dalawa na lang ang natira doon. Sa bawat pagsagwan mo'y tila may naririnig akong mga ibong kumakanta. Sa hindi inaasaha'y biglang may tumalon na isang isda. Muli, hindi ko pa rin alam kung bakit mo ibinigay sa akin ang isdang iyon. Natutuwa ako sa tuwing naaalala ko ang itsura mo noong niyaya mo akong umuwi at sumakay sa bangkang iyon: nakangiti na parang nahihiya at ang mga kamay mo na tila nagyayaya sa akin upang sumakay na. Ngunit ayokong isipin na may ibig sabihin ang lahat ng ito at pinipilit kong itatak sa isip at puso na talagang napilitan ka lamang na gawin ang lahat ng iyon dahil alam kong ang mga kalaro nati'y nasa tabi-tabi lang at nanonood sa ating dalawa. Ayoko. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa'yo. Sa kadahilanang iyon kaya hindi ako tumitingin sa iyong mga mata kahit ang mga sagwan ang tila nagpapalapit sa ating mga kamay. Puna ko ay nagtitilian na ang ating mga kalaro sa likod ng mga puno. Hindi ako sigurado sa dahilan kung bakit mo ako sinabihan ng pangalang pinang-aasar mo sa akin noong mga bata pa tayo - siguro ay para mawala iyong "atmospera ng ilangan". Itinago ko na lamang ang galak na aking nadama nang marinig ko muli ang iyong boses at halos nangungulila na ako samga pang-aasar mong iyon at sa halip ay tinarayan kita't belat ang ginawang sagot sa pang-aasar mong iyon. Tila hindi umaandar ang habang nagsasagwan ka sa batis na iyon: ako, nakatingin sa mga puno at minsa'y pinipigilan ang mga mata na sumilip para makita ang iyong mukha. Hiling ko sana'y walang hangganan ang batis na iyon at tumagal pa ang pagsasagwan mong iyon. Ngunit alam natin na ang lahat ay may katapusan at ang kaligayahan ay pansamantala lamang. Sunod noo'y ang pagsabi ko sayong itabi na lamang ang bangka sa isang tabi at ako'y maglalakad na lamang mag-isa. Hindi na kita tiningnan noon ngunit parang nakita kong ang iyong mga mata'y nagpapahayag na ihahatid mo na lamang ako hanggang sa bahay upang mas tumagal pa tayong magkasama...Teka. Ayoko ng ganito. Alam ko na lahat ng ito'y gawa-gawa ko lamang. Ayoko na. Tama. Dapat na itong wakasan, aking naisip, at ako'y tuloy-tuloy nang lumakad papalayo nang hindi lumilingon ni hindi man lang ako nagpaalam sa'yo at nagpasalamat sa araw, siguro'y para sa akin lamang, na pinaghatian natin. Tumakbo na ako papalayo tila nais kalimutan lahat ng mga nangyari sa maghapong iyon. Ayoko nang sumingit pa. Tama. At saka hindi ko naman ito ginusto lahat. Dapat hindi lahat nangyayari ang mga ito dahil imposible. Hindi dapat. Alam ko namang hindi ako ang gusto mo. Natatawa ako minsan sa tuwing bigla-bigla na lamang kita naiisip; ginugulat ako sa aking pagiisip-isip; tinatalisod ang tumatakbo kong isipan.

Huwag kang mag-alala. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa'yo kahit hindi ako sigurado, hanggang ngayon, kung iyon lang ba talaga ang nararamdaman ko. Ngunit kahit ganoo'y nais ko sanang linawin na pipilitin kong mapigilan iyon na humigit pa at tuluyang mahulog ako sa bangin na puno ng tinik ang sarili ko. Huwag mo na sanang isiping ginagawa ko ang mga ito dahil may gusto ako sa'yo. Muli, nais kong linawin, ito'y simpleng paghanga lamang at KAIBIGAN lang. Tuldok. Tapos.

Kailanma'y hindi ko pinangarap na tumira ako dyan sa iyong isipan at kailanma'y hindi ko ginustong gawin ang lahat ng mga ginagawa ko ngayon. Ang hiling ko lamang ay maging kaibigan ka at wala nang iba pa nang hindi pinapansin ang mga panunukso ng ating mga kalaro. Nais ko'y sa bangkang iyo'y ika'y maging isang tagapag-sagwan lamang: hindi nagmamay-ari ng mga matang puno ng pag-aalala sa tuwing nakikita sa aking mga mata ang kaba kapag umaandar na ang bangka; hindi iyong nagmamay-ari ng mga kamay na handang umakay 'pag ako'y papasakay at pababa ng bangka. Tagapag-sagwan. Iyon lang. Hanggang doon lang.
Friday, September 26, 2008

trying to convince myself........somehow

Napanaginipan na naman kita for the third time. Yung una, medyo di ko na matandaan (di ko alam kung nakalimutan ko na o kung KINALIMUTAN ko talaga) basta ang naaalala ko lang dun sa panaginip na iyon ay MAYROONG “SOMETHING” BETWEEN US. Basta ganun, sayang di ko na matandaan XD. Yung panagalawa naman, nainis na ako kasi ayaw kong managinip ng mga ganun – yung may “SOMETHING” na namamagitan sa ating dalawa – lalo kasi akong umaasa eh na hindi naman dapat. T_T. Haha emo! XD. Badtrip noh?


Anyway, sa ayaw ko man o sa hindi at sa hindi malamang nakakabadtrip na dahilan ay napanaginipan na naman kita. Hindi ko alam kung may ‘something’ nga ba sa ating dalawa rito pero sa tingin ko, related ito sa isang bagay na mahalaga sa parte ng buhay mo (at isang malupit na ‘secret’ yun).


So here it goes.


Magkatabi tayo ng upuan sa isang room kung saan ang nasa kaliwa mo ay ang bintana at ako ay nakaupo sa may kaliwa mong upuan. Nasa pangalawang row tayo kung saan walang tao sa first row at wala rin ako katabi (di ko lang alam sa may likod kung may mga tao). Nagkekwento ka sa akin tungkol sa mga bagay (which I can’t remember na.XD) at isa doon ay yung MAGKASABAY KAYONG NAGLALAKAD NI ‘ANO’ (isang malupit na ‘secret rin si ‘ano’). Sa tingin ko, ako lang yung sinabihan mo nun kaya natuwa ako. (Wala naman kasi sa akin yung paglalakad ninyo ng sabay e kasi mataas ang pagtingin ko kay ‘ano’).


Nagulat ako nang biglang umupo si ‘siya’ (si ‘siya’ ay isang ‘secret’ rin) sa tapat kong upuan at tinawag ka at tinanong: “Magkasabay daw kayong naglakad ni (censored)?!?”. Sobra akong nabigla kasi di ko alam kung paano niya nalaman yun. Tumingin ako sa iyo, natatakot na baka magalit ka sa akin. Sinilip kita sa isa kong mata at nakita ko yung mukha mong nagsasabing, “Tsk tsk tsk. Sinabi mo noh?”. Nagpalusot na lang ako sa kanya, “Umm. Wala lang ‘yon. Haha.” At hindi ko inasahang sasagot ka rin at tinulungan mo rin akong magpalusot sa kanya. Yee~salamat! XD.


Tapos nun, naglalakad tayo – ako, ikaw, si ‘ewan’(secret)at si ‘hmm’(XD) (di ko alam kung kasama si ‘siya’ sa mga naglalakad) – papuntang canteen. Ang akala ko nililigawan mo si ‘ewan’ kasi magkatabi kayong naglalakad nun at kaming dalawa ni ‘hmm’ ay naglalakad sa likuran ninyo. (Sa panaginip ko kasing ito, ang akala kong si ‘ano’ ay si ‘ewan’. Haha. Ang gulo. XD). Napaisip akong, “Kaya pala ayaw mong ipasabi at ako lang ang sinabihan mo…”.


Pagkatapos nun, nang makapasok na tayo sa canteen, nakakita tayo ng cakes. Ang daming cakes sa mga table. Tinusok-tusok ni ‘hmm’ yung isang chocolate cake na parang nasisira na ito. Ako naman na isang ‘certified cake-oholic’ ay sinaway si ‘hmm’.


Tapos nagising na ako nun! Waaa! XD. :-|


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Ang labo noh? :-| Haha. Nakakabadtrip lang kasi e. Basta may mga pagkakataon kasing sunod-sunod kong napapanaginipan ang isang tao.

Ang nakaka-badtrip lang kasi ay yung napapanaginipan kita na may mga ‘ganun’ na parang nagfeefeeling tuloy ako. :-| Ako pa naman ay isang taong 'feeling'. :-P

Hindi ko alam. Pinipilit ko pa ring kumbinsihin ang sarili ko na wala akong nararamdaman para sa iyo na higit sa isang kaibigan kahit may mga ‘nangyari’ noon at may mga ‘nangyayari’ pa rin hanggang ngayon. Ayaw kong mabasa mo ito pero kung gugustuhin ng tadhana’y bahala na. :-|
Saturday, September 13, 2008

Haay. I am back to blogging again. Grabe! Sobrang tagal na when i posted my latest blog post in here. Di ko na kasi na-manage and sorry kasi minsan talaga'y tinatamad akong mag-post. Sorry na.^_^
Ayun! i don't know what pushed me to be back in blogging again.Umm.Ewan.Seriously.Actually, i don't want to use this blog na nga e kasi may mga posts na, should i say-confidential sa ibang mga tao dyan.Hehe.But then, as i have said, i really do not know the reason why im back pero sana it will be good. :D
sorry because i can't promise that i will be updating this everyday. Medyo busy na talaga, now that everyday may school. :)
So for my first post i am going to tell you about what happened yesterday.


Yesterday started as a "very special" day for Pauline, whom i prettily call "sis", since third year; siguro it has been a habit for me to call her that pero syempre there's that meaning - it's cute!XD. Anyway, the night before that special day, i couldn't decide kung pupunta ba ako sa house nila kasi my parents, as usual, mahirap kumbinsihin and they really do not allow me lalo na they know that pausis is living in Tondo, a place for my parents ay "malayo" kaya in the first place, they don't allow me to go so i have decided - i will not go. :( That night, i ready my gift for my special sis. Nakakahiya nga because it is so small [ it is a cute "keychain" na sinasabit sa cellphones; it has a ballerina in the end of the chain and its tutu is pink!] and i am expecting na yung ibang gifts that my sis would be accepting were big teddy bears and such so i added na lang ng isang letter containing the words i want to say to my sis especially the words that "i miss them"T_T. Hehe.

As i entered the school, i heard my sis call my name so i sat beside the four of them[sora, alekx, & patty]. I sadly said to my sis that my parents didn't allow me to go to her house. She said, "Oh. Sayang, inaasahan ko pa naman na pupunta ka." Nalungkot ako nun so i ask Patty if she would come, hoping that my parents would allow me knowing that i have someone to go home with. I texted my mom to ask her permission. She replied that my dad didn't want to allow me so i didn't text back. Then, the classes started. My mom texted me that if the weather is good, i could come. Bahala na daw ako umuwi [which my dad told her]. After i read it, i have decided that i will come.

That friday, Faraday [my section this year] has attended almost no classes except adchem [our first period class] kaya masaya. XD. I waited for pausis's class to end and for jake's "something" for her. Ssssshhhh. XD. Then, ayun, we rode the LRT, arrived at Blumentrit Station [there, we bought a Black Forest cake from Goldilocks] where we rode a tricycle to pausis's house. There, we met her titas and her mom. We ate spaghetti, chicken, rice, menudo and lumpia which tempted me na kumain talaga [woah!diet daw o!tsk!].XD. We had fun, really. I missed those harutans and such kaya sumali ako dun sa "ball game" nila. But then, my health, sobrang KJ e. Di nakisama. XD. I mean my asthma attacked again [actually, may sumpong na sya even we are at school pa lang.] at the middle of those laughters so umupo ako for a while and drink some water which pausis gave me.

After i had some rest, we have decided to go home na. Di naman ako kinakabahan that my parents would scold me but the second i have put down my bag, wow, alam nyo na ang nangyari.XD. Ayun, basta everytime i try to explain something sa parents ko, i mean parang defending something, my eyes always get teary.err!X(.Then, as usual, i cried but not that hard. I didn't expect that i would hyperventilate that night na halos buong katawan ko naninigas and i can't open my eyes. I am running out of breath nung mga time na yun and i felt like i want to throw up kaya i went to the bathroom. Thank God that i didn't throw up that much. Pinigilan ko na lang and told my parents that i am okay because they said that umaarte lang ako and that pasakit ako. I just let them say that because it is okay for me.

That night, I prayed and said sorry to God because i didn't obey my parents. Siguro, God gave me that asthma attack to give me a lesson. *sigh. Nagsisisi talaga ako nun pero wala na tapos na e. Again, I just want to greet my pausis a HAPPY BIRTHDAY!! Sweet Sixteen..yeee..!!

I Love You, Pausis! Salamat sa masarap na pagkain!